Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ang Marcos administration ng P464.5 billion sa pambansang pondo para matugunan ang climate change.
Ginawa ng ahensiya ang naturang pahayag kasabay ng pagpapakita ng suporta para sa pag-obserba ng Earth hour ngayong araw, Marso 25.
Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na isa sa pinakasimpleng paraan upang masagip ang kalikasan para sa hinaharap na henerasyon ay ang pag-obserba sa Earth hour. Ang gawain na ito ng pagkakaisa ay may malaking maiaambag na pagbabago para sa ating planeta.
Kung kayat hinihikayat ng DBM kasama ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na makiisa sa mga nasyon para sa pag-obsera ng Earth Hour ngayong araw mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas9:30 ng gabi.
Hinihimok din ang puliko na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para tumulong na mapigilan ang pagkasira ng kapaligiran at mga kalamidad sa pamamagitan ng pag-adopt sa climate chnage mitigation at resilience programs, pag-switch sa renewable energy, pagpapanatili ng mababang greenhouse emissions at iba pang mga hakbang para matugunan ang climate change.
Uan rito, ang inilaan na pondo para sa mga proyekto sa climate change ay katumbas ng 8.8% ng pambansang pondo.
Mas mataas ito ng 60,1% kumpara sa alokasyong P289.7 billion noong nakalipas na taon.