-- Advertisements --

Walang sinayang na panahon si Pinoy boxer Eumir Marcial para nalalapit niyang professional fight sa araw ng Sabado.

Mula ng dumating ito sa Pilipinas noong nakaraang linggo galing sa dalawang buwang matinding training sa Las Vegas ay agad na sumabak ito sa matinding ensayo.

Nagsagawa ito ng ensayo sa Tagaytay Combat Sports Centers para sa laban niya kay Thoedsak Sinam sa darating na Marso 23 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon sa Tokyo Olympics bronze medalist na hindi siya maaring magrelaks sa nasabing laban dahil mayroong 24 panalo at 19 knockouts ang Thai boxer na kaniyang makakalaban.

Tiwala si Marcial na nagkaroon ng improvements asng kaniyang mga laro dahil sa matinding training niya sa US.

Itinturing nito na ang mga matinding sparring sessions siya sa Las Vegas ang nagbibigay sa kaniya ngayon ng kakaibang kaeranasan sa boxing.