-- Advertisements --

Nabigong masungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang gintong medalya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Tinalo kasi siya ni Tuohetaerbieke Tanglatihan ng China sa 80 kgs division sa pamamagitan ng unanimous decision.

Napatumba pa ni Marcial ang kalaban kung saan nabilangan ito ng hanggang walo sa unang round.

Pagpasok ng ikalawang round ay nakapag-adjust ang Chinese boxer at bumawi ito kay Marcial.

Magugunitang tiyak na rin pagsabak ni Marcial sa 2024 Paris Olympics.