-- Advertisements --

Nagdeklara ang Tanzania ng pagtatapos ng kanilang outbreak ng Marburg virus.

Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang ang mahigit dalawang buwan ng ito ay unang nakumpirma.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na kakaunti lamang ang naitala kung saan ang sintomas nito ay magkakaroon ng hemorrhagic fever.

Ito aniya ang unang uri ng outbreak sa nasabing East African country na Tanzania na mayroong populasyon na halos 62 milyon.

Dagdag pa ng WHO na ang huling kaso na nagpositibo noong Abril 19 ay negatibo na matapos ang 42- na araw na mandatory isolation.

Magugunitang noong 2017 ay naitala ang outbreak sa Uganda na nagtagal ng mahigit dalawang buwan din.