-- Advertisements --

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na planado ang ginawang pag-atake ng teroristang Maute sa Marawi City.

Patunay dito ang dokumentong narekober ng militar mula sa teroristang Maute.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na bukod sa mga matataas na kalibre ng armas na narekober ng militar mula sa teroristang grupo, nakuha ng militar ang isang dokumento kung saan nakapaloob dito ang plano ng grupo na salakayin ang siyudad ng Marawi.

Hindi naman masabi ni Padilla kung ano pa ang nakapaloob sa nasabing dokumento.

Sinabi ni Padilla na sa ngayon nasa 90 porsyento ng cleared o nalinis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Marawi City laban sa Maute terror group.

Sa ngayon umakyat na sa 89 ang bilang ng Maute member ang napatay sa mahigit isang linggo nang labanan sa Marawi City.