-- Advertisements --

Maraming bahagi ng Canada ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa Hurricane Fiona.

Nagdulot ng malakas na pag-ulan ang bahagi ng Nova Scotia, Prince Edward Island at New Brunswick.

Itinuturing kasi ng Canadian Hurricane Center na ang ang nasabing bagyoay maituturing na ‘historic, extreme event’ na inaasahang magdudulot ng malawakang pagbaha.

Umabot na kasi sa walong katao ang nasawi noong nanalasa ang bagyo sa Caribbean.

Sinabihan na rin ng mga otoridad ang mga residente na lumikas dahil sa banta ng malakas na pag-ulan at baha.