-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na lahat ng mga probinsiya sa Pilipinas maliban sa Palawan ay naabot na ang “malaria-free” status makalipas ang maraming taong pagsusumikap para mapuksa mosquito-borne disease.

Ito ay katumbas ng 80 mula sa kabuuang 81 mga probinsiya sa buong bansa.

Tatget ngayon ng DOH na ideklarang malaria free ang bansa sa taong 2030.

Sa kasalukuyan, puspusan ang pakikipagtulungan ng DOH sa gobyerno ng Palawan para mapuksa ang malaria sa nasabing probinsiya.

-- Advertisement --

Iniulat din ng ahensiya na angga probinsiya ng Oriental Mindoro, Rizal, Aurora at Cotabato ay una ng idineklarang malaria free noong nakalipas na taon.

Sa data ng DOH, bumaba sa 87% ang malaria incidence sa ating bansa kung saan nasa mahigit 6,000 noong 2020 mula sa mahigit 48,000 cases noong 2003.

Sa mga nasawi dahil sa sakit, nakitaan din ng 98 porsyentong pagbaba mulasa 162 deaths noong 2003 ay nasa 3 na lamang noong 2020.

Ang Malaria ay isang nakamamatay na sakit dala ng parasites na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected Anopheles mosquitoes.