-- Advertisements --

Naniniwala si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mas maraming Pilipino ang papayag na magpabakuna kontra COVID-19 kung idadaan ito sa kanilang corporate health maintenance organizations (HMOs).

Para kay Defensor, “trusted” na ng mga empleyado ang kanilang HMOs kaya malaki ang posibilidad na sa mga ito rin idadaan ang kanilang pagpapabakuna.

Nasa posisyon din aniya ang mga HMOs para tulungan ang mga employers na ipaliwanag sa kanilang mga manggagawa ang benepisyo nang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Defensor na kakailanganin ng pamahalaan ang lahat ng tulong na makukuha nito mula sa private corporate sector kung nais na mapabilis ang pagpapabakuna sa mas malaking bahagi ng populasyon.

Mahalaga aniya ang hakbang na ito lalo pa kung nais na mas marami pang sektor ng ekonomiya at maiwasan ang paglala ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Base sa survey na isinagawa kamakailan ng Pulse Asia Inc., tanging 32 percent ng mga Pilipino ang handang magpabakuna kontra COVID-19 habang 47 percent naman ang ayaw, at 21 percent ang hindi pa buo ang isip.

Sa hiwalay na poll ng OCTA Research Group, natukoy naman na tanging 25 percent ng mga Pilipino ang willing na magpabakuna