-- Advertisements --

Nasa 36 katao ang sugatan matapos tamaan ng turbulence ang Hawaiian Airlines flight.

Mula sa Phoenix patungo sa Honolulu ng biglang nakaranas sila ng turbulence.

Dinala na sa pagamutan ang 20 pasahero na nagtamo ng sugat sa katawan.

Nawalan ng malay ang ilang pasahero habang ang ilan ay nauntog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang US National Transportation Safety board.

Mayroong 278 na pasahero ang lulan ng Airbus A330-200.