-- Advertisements --

Maraming mga social media user ang nais na bumaba sa puwesto si Twitter CEO Elon Musk.

Sa lumabas na isinagawa nitong survey na mayroong 57.5 % ang nagsabing na dapat na siyang bumaba sa kaniyang puwesto habang 42.5 % ang nagsabing hindi.

Mahigit 17 million na Twitter user ang lumahok sa nasabing survey.

Pinuna kasi ang pamumuno Musk dahil sa malawakang pagsibak nito ng mga empleyado ng mabili niya ang kumpanya noong Oktubre.

Wala pang anumang reaksyon si Musk sa nasabing paglabas ng survey.