-- Advertisements --

Magpapadala ang United Kingdom ng 600 Brimstone missiles sa Ukraine bilang suporta sa paglaban nito sa Russia.

Ayon kay British Defense Secretary Ben Wallace na ang nasabing mga missiles ay maaring madomina na ng Ukraine ang laban nito sa Russia.

Ang Brimstone missile ay isang uri ng air-launched munition na magiging epektibo laban sa mga moving targets at may mababang tsansa ng magdulot ng malawakang collateral damage.

Bukod pa sa UK ay magpapadala rin ang Sweden ng 50 armored combat vehicles sa Ukraine na bahagi ng kanilang military aid package.

Ang package aniya ay binubuo ng grenade launchers na may ammunitions, anti-armour ammunition, automatic rifles, mine clearance material combat vehicles na mayroong Missile 57.

Nagkakahalaga ito ng $419 milyon.

Bukod pa sa dalawang ay mayroong pitoing ibang mga bansa ang nagpahayag ng pagbibigay ng armas militar sa Ukraine na kinabibilangan ng Lithuania, Poland, Slovania, Estonia, Czech Republic at Denmark.