-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang mga bansang naglabas ng travel warning na iwasang magtungo sa Israel at mga teritoryong inukopa ng Palestino.
Ito ay may kaugnayan sa banta ng Iran na sila ay gaganti sa ginawang missile attack ng Israel ng tamaan nila ang konsulada nila sa Damascus na ikinasawi ng mga mataas na opisyal ng sundalo ng Iran.
Ilan sa mga bansang nagbigay ng travel warnings ay ang US, United Kingdom, Poland, Russia, India at France.
Nakasaad sa mga travel advisory ng nasabing mga bansa na bukod sa Israel ay dapat iwasan din ng mga mamamayan nila ang pagpunta sa Lebanon, Iran at Palestinian territories.
Una ng hindi itinanggi ng US ang nasabing banta kung saan nakatanggap sila ng impormasyon na naghahanda ang Iran ng malawakang pag-atake.