-- Advertisements --

Maraming mga flights sa Heathrow at Gatwick airports sa London ang naantala dahil sa malakas na pagkidlat.

Ayon sa air traffic control ng United Kingdom, na mahigit 900 na mga inbound at outbound flights sa nasabing mga paliparan ang na-delay ng mahigit 11 oras.

Ilang mga flights din ang nakansela dahil sa nasabing malalakas na pagkidlat.

Inabisuhan ng mga paliparan ang mga pasahero na tignan nilang mabuti ang schedule ng kanilang mga flights.

Inaasahan na ngayong araw din ay makakabalik na sa normal na operasyon ang mga flights sa London.