-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na tanging mga health care workers na nasa pribadong pagamutan ang hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 benefits.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, na 90 percent ng pondo ng COVID-19 benefits ang kanilang naipamahagi na.

Nagkakaroon lamang ng ilang teknikal at administrative issues sa mga private hospitals kaya ito ay naantala.

Pagtitiyak pa ng kalihim na kanilang agad na ibibigay ang nasabing pondo kapag naayos na ang ilang mga aberya.