Sierra Leone
Sierra Leone

Maraming mga construction workers ang naipit sa gumuhong tatlong palapag na gusali sa Sierra Leone.

Ayon sa mga otoridad, may 10 katao na silang nailabas sa gumuhong gusali.

Nagtamo ng malaking sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng mga nakaligtas na biktima.

Hindi bababa sa 70 mga construction workers ang naipit sa loob ng gumuhong gusali.

Patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad.