Tiniyak ni PBBM na hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi naipaaabot ang libre at dekalidad na serbisyong medikal sa mga Pilipino, saan man silang panig ng mundo.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa LAB for All program na pinasinayaan sa Pasig City ngayong araw.
Sabi ng pangulo, batid ng pamahalaan na hirap ang mga nasa liblib na lugar na tumungo sa medical facility kahit pa mayroon nang ini-indidang karamdaman ang mga ito.
Ito ang dahilan kung bakit mayroong mga ganitong programa ang pamahalaan.
Mula May, 2023, nasa 25 lokasyon na sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang napuntahan ng Lab for All, at mas marami pa itong dadayuhin.
Sisikapin rin aniya ng pamahalaan na maiakyat da tig-dalawa ang bilang ng ambulasyang ibibigay ng national government kada LGU.
Payo ni Pangulong Marcos sa publiko, samantalahin ang mga programang ibinibigay ng pamahalaan sa mga Pilpino.