-- Advertisements --

Dumipensa ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isyung walang napaparusahan sa hanay ng processed food manufactures at iba pang negosyante na may mga paglabag sa price act.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez sa pagharap nito sa Senate committee on agriculture and food, marami na silang napatawan ng parusa sa loob at labas ng Metro Manila.

Regular din umano ang paglilibot ng team ni DTI Usec. Ruth Castelo para actual na makita ang supply ng mga produkto sa merkado at maging sa manufacturing plants.

May mga naipasara, napagmulta at nabigyan ng warning dahil sa sari-saring violations.

Ilalabas umano nila ang listahan ng mga naparusahang establishimento sa mga darating na araw.