Reading Time: 1 minute

Sinuspinde muna ng pamunuan ng Mapua University sa Intramuros, Maynila ang klase matapos makatanggap ng bomb scare ang paaralan nitong umaga.

Kanya-kanyang nagpulasan ang mga mag-aaral at empleyado ng unibersidad kasunod ng pagkalat umano ng balita na may bomba sa bisinidad ng paaralan.

Bukod sa Manila campus, sinuspinde na rin muna ng paaralan ang klase sa campus nito sa Makati City.

Sa kabila nito, tuloy pa rin daw ang klase ng Mapua University sa pamamagitan ng online.

Kasunod ng suspensyon, idineklara ng paaralan ang “Digital Day” para sa mga mag-aaral.