-- Advertisements --

Sinabi ni Manny Pacquiao na malapit na silang magkasundo sa isang rematch laban sa dating boxing legend na si Floyd Mayweather.

Matatandaan na ang dalawa ay unang nagharap noong 2025 sa tinaguriang “Fight of the Century,” kung saan nagwagi si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision matapos ang 12 rounds.

Ipinahayag pa ni Pacquiao siya ay may shoulder injury noong laban niya kay Mayweather at noong 2018 una niyang sinabi na hindi siya makakapag-retiro ng may iniisip dahil sa naturang pagkatalo.

Matapos nga magretiro noong 2021, bumalik si Pacquiao sa ring noong Hulyo upang harapin si WBC welterweight champion Mario Barrios, na nagtapos sa majority draw.

Ayon pa kay Pacquiao, ang kampo ni Mayweather ay kasalukuyang nakikipag-ayos na para sa isang rematch na malamang gaganapin sa Las Vegas.

Samantala, nakatakda naman makipaglaban si Mayweather kay Mike Tyson, 59, sa isang exhibition fight ngunit hindi pa tiyak ang eksaktong petsa.