Nilinaw ng eight-division world champion na si Manny Pacquiao na ang kanyang inaasahang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Setyembre 19 ay isang “real fight” at hindi exhibition lamang.
Ayon kay Pacquiao, naiintindihan niya ang naging pahayag ni Mayweather kamakailan na tinawag ang laban sa The Sphere sa Las Vegas bilang exhibition para lamang aliwin ang publiko.
Ngunit, binigyang-diin ni Pacquiao na ang kontrata ay para sa isang professional fight na mabibilang sa kanilang record.
“From the beginning, my intention has been to give the fans what they truly want to see. A high-level, competitive sanctioned fight,” aniya.
Noong Pebrero, inanunsyo ng sikat na streaming platform na ipapalabas nila ang laban sa buong mundo, isang hakbang na pinuri ni Pacquiao bilang pagsunod sa eksaktong kasunduan ng kontrata.
Dagdag people’s champ, ang exhibition match laban sa retiradong dating junior welterweight champion na si Ruslan Provodnikov ngayong Abril ay hindi pa pinal.
Si Pacquiao ay nagsimula na ng light training limang buwan bago ang laban kasama ang longtime trainers na sina Freddie Roach at Buboy Fernandez sa Los Angeles, California.
Kasabay nito, naroroon si Pacquiao sa Temecula, California para suportahan ang ikalawang professional fight ng kanyang anak na si Jimuel laban kay Darrick Gates.














