-- Advertisements --
Kinumpirma na ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang kaniyang muling pagsabak sa boxing ring.
Ayon sa 46-anyos na dating senador na pumayag na ito ng makaharap si Mario Barrios para sa WBC welterweight title.
Nakatakdang isagawa ang paghaharap nila ng 29-anyos na American boxer sa buwan ng Hulyo sa Las Vegas.
Ang laban ay isang buwan bago ang induction niya sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo.
Huling lumaban si Pacquiao ay noong Agosto 21, 2021 ng talunin siya ni Cuban boxer Yordenis Ugas sa WBA welterweight crown.