-- Advertisements --
image 515

Naglunsad ng Water Asset Installation and Rehabilitation project ang Manila Water, kasama ang social development arm nito na Manila Water Foundation para sa mga learning institution sa ilalim ng Lingap Eskwela program.

Ito ay alinsunod sa pagbubukas ng mga klase sa mga pampublikong paaralan sa susunod na linggo.

Ang Water Asset Installation and Rehabilitation project ay naglalayon na tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mabuting kalusugan at general wellness para sa de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng access sa supply ng tubig at mga pasilidad ng sanition sa mga institusyong pang-edukasyon.

Gayundin ang pagpapagana ng pagbabago sa pamamagitan ng napapanatiling water access, sanitation, and hygiene o kilala bilang WASH.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, ang mga technical WASH interventions tulad ng installation at repair ng booster pumps, provision of pressure, overhead at ground tanks, at rehabilitation ng water pipelines ay ipagkakaloob sa Manila Water’s East Zone Service Areas.

Ang mga ito ay kinukumpleto sa pagsasagawa ng mga hygiene education sessions para sa mga guro at mag-aaral, at pagbibigay ng impormatio at education materials sa konserbasyon at kalinisan ng tubig ng Manila Water Foundation.