Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang paglulunsad ng Career Guidance Orientation program para sa lahat ng senior high school students sa lungsod.
Pangungunahan ni Fernan Bermejo, pinuno ng Public Employment Service Office (PESO), ang programang pagtuturo sa mga mag-aaral at pagdidirekta sa kanila kung ano ang nais nilang ituloy.
Ayon kay Bermejo, sasakupin ng programa ang humigit-kumulang 9,000 mag-aaral mula sa kabuuang 27 paaralan.
Tuturuan ang mga mag-aaral sa kanilang desisyon kung ipagpatuloy ang edukasyon sa kolehiyo, magsisimula ng maliit na negosyo, o maghanap ng trabaho.
Ang seminar ay isasagawa ng isang buong buwan nang libre habsng ang mga kalahok ay bibigyan ng libreng pagkain.
Hindi bababa sa 500 mag-aaral ang nakinabang na sa programa sa panahon ng career guidance orientation na ginanap sa Raja Soliman Science and Technology High School.
Ang proyekto ay sa pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Division of City Schools of Manila at ang school management.
Sinabi ng alkalde na patuloy na nagbibigay ng trabaho ang pamahalaang lungsod sa mga residente kabilang ang mga senior citizen at persons with disability (PWDs).
Bukod sa job fairs, tumutulong din ang lokal na pamahalaan sa pagkuha ng mga residente sa pamamagitan ng help desks nito sa “Kalinga sa Maynila” na ginaganap sa ilang barangay.