-- Advertisements --
MIAA

Humingi ng pang-unawa ang Manila International Airport Authority(MIAA) ukol sa maraming lightning alert na laging inilalabas dahil sa masamang panahon sa bansa.

Ito ay simula nang pumasok ang tag-ulan sa bansa, kung saan ay sunod-sunod na rin ang naitatalang mga pagkidlat at pagkulog sa malaking bahagi ng bansa.

Paliwanag ng MIAA, inilalabas ng MIAA Airport Ground Operations and Safety Division ang Red Lightning Alert kapag nakikita nila ang pangangailangan. Sa oras na may ganitong alerto, kinakailangan nang suspendihin ang mga flight at ground operations sa Ninoy Aquini International Airport.

Nagpapatuloy naman ang suspension hanggang sa maibaba ang alerto sa Yellow Alert, kung saan papayagan na ang pagpapatuloy ng flight at ground operations.

Kasabay nito, hiningi ng MIAA ang kooperasyon ng publiko sa mga ganitong pagkakataon, dahil sa ang mga inilalabas na alerto ay bilang pagprotekta nito sa kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero, kasama na ang mga flight crew, at ground personnel