Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Maynila na nakakolekta sila ng kabuuang 148 na truck ng basura sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ayon sa Manila Department of Public Services ang 407 metric tons ng basura ay nakuha na katumbas ng 148 truckloads.
Idinagdag niya na ang dami ng basurang ito ay nakolekta mula sa lahat ng aktibidad mula Enero 6 hanggang 10.
Ang mga basurang nakolekta noong Enero 6 ay nasa 28 MT o 12 truck; Enero 7, 34 MT o 14 na truck; at Enero 8 o 61 MT, 19 na trucks.
Natapos ang Traslacion o ang engrandeng prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno makalipas ang halos 15 oras.
Ito sa ngayon ay ang pinakamabilis na oras na naitala sa mga nakaraang taon.
Ang prusisyon, na dinaluhan ng 6.5 milyong deboto, ayon sa Quiapo Church Command Center ay nagsimula sa Quirino Grandstand sa Luneta at nagtapos sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Maynila.
Ang taunang kaganapan ay ginanap pagkatapos ng tatlong taong pahinga dahil sa pandemya ng coronavirus o COVID19.