-- Advertisements --
Isinara kahapon ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang mga pampublikong sementeryo dahil sa banta ng Tropical Storm Paeng ngayong weekend.
Maaaring sirain ni Paeng ang pagdiriwang ng Undas, ang tradisyon ng mga Pilipino ng pagbisita sa mga patay sa All Saints’ and Souls’ Days lalo pa’t nag-landfall na sa Virac Catanduanes ang bagyo.
Ang Manila North at South Cemeteries, kabilang sa pinakamalaki sa bansa, ay isinara simula 5 p.m. kahapon.
Ayon kay city public information office chief Princess Abante na maghihintay ang pamahalaang lungsod ng update sa storm signal ngayong araw at ang anunsyo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Ang desisyon ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita sa mga sementeryo.