-- Advertisements --

Hinimok ni Manila Cathedral rector Monsignor Rolando dela Cruz ang mga katolikong nakakumpleto sa siyam na araw na Misa De Gallo na dumalo sa mga regular Sunday services ng simbahan.

Ayo kay Monsignor dela Cruz, marming mga Pilipino ang nakakumpleto sa madaling-araw na misa dahil na rin sa kanilang paniniwala na ang pagkakumpleto dito ay magbibigay daan sa ikakasakatuparan ng kanilang kahilingan sa buhay.

Ayon kay dela Cruz, ang pagkumpleto sa Misa de Gallo ay hindi lamang sana naka-sentro sa mangyayaring kahilingan kungdi bilang pasasalamat na rin sa diyos.

Ginawa no Monsignor dela Cruz ang paalala kasabay ng pagdiriwang ng pasko ngayong araw kung saan natunghayan nito ang dami ng bilang mga dumalong deboto, lalo na sa regular na Misa De Gallo na unang nagsimula noong Disyembre-16.