-- Advertisements --
Maagang naglabas ang Archdiocese of Manila ng mga panuntunan sa taunang Siimbang Gabi.
Sa kalatas na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na magsisimula ang Misa de Aguinaldo ng ala-7 ng gabi at ang pinakahuling misa sa madaling araw ay hanggang 5:30 ng umaga.
Kasama rin ang pag-anunisyo ng mga anticipated mass kung saan maaari lamang itong isagawa maliban sa araw ng Lunes na binbigyang prioridad ang Principle of Primacy of Sunday.
Sa nasabing anticipated mass kasi ay ginagamit ang mga dasal at pagbasa para sa susunod araw.
Nanawagan din si Advincula sa mga magkakapamilya na sama-samang magsimba at ipagdasal ang kapayapaan.