May umiikot nang “manifesto” sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para suportahan si Leyte Representative-elect Martin Romualdez sa speakership post.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na marami na ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Romualdez.

“I don’t know whether the other candidates have circularized a manifesto of support. Ang alam ko, ang meron lang nakakuha ng ganun karaming endorsement is Cong. Martin Romualdez,” ani Suarez.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na interisado siyang maging successor ni outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Makakalaban ni Romualdez sa speakership race ay sina Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at Davao Del Norte at dating Speaker Pantaleon Alvarez.