-- Advertisements --

Nilagdaan ng iba’t ibang political groups at blocs sa House of Representatives ang manifestos na sumusporta sa proposal ni Speaker Lord Allan Velasco na amyendahan ang restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.

Nakasaad sa manifesto na naniniwala ang mga mambabatas na ito ang tamang panahon upang muling itakda ang deliberasyon sa pag-amyenda ng economic provisions na nakapaloob sa ilalim ng Resolution of Both House No.2.

Ito ay para raw makapagbigay ng pang-matagalang solusyon sa naging epekto ng coronavirus pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas.

Hangad umano nila na pangalagaan ang pundasyon ng bansa mula sa mga susunod pang krisis at gayundin ang paghandaan kung gaano kalala ang matatamasan economic regressions sa pagdaan ng araw.

Ilan sa mga pumirma ay sina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez ng Lakas-NUCD, Deputy Speaker Salvador “Doy” Leachon at Rizal Representative Michael John Duavit para sa Nationalist People’s Coalition, Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ng Nacionalista Party, at Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. ng National Unity Party.

Sumang-ayon din dito sina Davao City Representative Isidro Ungab ng Hugpong ng Pagbabago, Deputy Speaker Mikee Romero para sa Party-list Coalition Foundation Inc., at Aurora Representative Rommel Rico Angara ng independent bloc.

Tiniyak naman ng mga ito na tanging economic provisions lamang ang isasalang sa deliberasyon ng Kamara. Nanindigan din ang mga mambabatas na ang Senado at Kamara ay magkahiwalay na boboto sa naturang amyenda sa Saligang Batas.