-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng grupong Manibela kay Pangulong Ferdinand Marcos na kung maari ay suportahan sila sa kanilang isinusulong at huwag ng ituloy ang PUV modernization program.
Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuena, na maraming mga drivers na ang umalis sa consolidation program dahil dama nila ang hirap na dulot nito.
Umaasa ito na sana ay mapakinggan sila sa nasabing hiling na ayusin na lamang ang mga lumang dyip at huwag ng ituloy ang jeepney phaseout.
Magugunitang ikinakasa na rin ng grupo ang malawakang tigil pasada sa darating na Abril 15 bilang protesta laban sa PUV Modernization.