LAOAG CITY – Patay ang isang mangingisda matapos mag-slide ang minanehong motorsiklo sa Brgy. 5 Davila, Pasuquin, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Larry Cacal, 57, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, papuntang timog ang biktima habang nakasakay sa motorsiklo nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa mag-slide ito at tumama ang ulo sa kalsada.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nabatid na nasa impluwensya ng alak ang biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo.