NAGA CITY – Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa isang mangingisda na sakay ng lumubog na bangka sa karagatang sakop ng Brgy. Calasumanga, Panukulan, Quezon.

Batay sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, sakay ng maliit na bangka ang mangingisdang sina Heron Quinto, 22; at Olino Onofre.

Pero lumubog umano ito habang pumapalaot sa gitna ng dagat.

Agad na-rescue si Onofre pero nananatiling missing si Quinto.

Nagsanib pwersa na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang grupo para mahanap ang nasabing biktima.