-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang construction worker sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Jun Mokalid,37 anyos,may asawa at residente ng Mamasapano Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang kanyang asawa sa Barangay Poblacion Shariff Aguak Maguindanao nang bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Ampatuan Maguindanao.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib habang ligtas ang kanyang asawa.

Tinamaan rin ng ligaw na bala ang isang bystander at naisugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa naturang pangyayari.