Bingiyan diin ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahalagahan ng pagsunod sa product standards ng mga materyales na ginagamit sa construction.
Bukod sa steel at semento, pinag-aaralan na rin ngayon ng DTI na mapasama sa kanilang coverage ang plywood, roofing materials, at salamin.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, mahigpit ang mandatory testing na ipinapatupad sa ngayon para sa mga imported na mga bakal.
Maging ang mga imported na semento ay dumadaan din sa pre- at post-shipment mandatory testing.
Sinabi ni Lopez na nakakatanggap ngayon ang DTI ng mga request na isama na rin ang plywood sa dadaan sa kanilang pagsusuri.
Nauna na rin namang ipinag-utos ng DTI ang mandatory testing sa mga salamin, subalit hindi ito maipatupad dahil sa court injunction.