-- Advertisements --

Hindi na itutuloy pa ng pamahalaan ng Pilipinas ang mandatory repatriation sa mga Pilipinong manggagawa sa Iran at Lebanon sa gitna ng kaguluhan sa Gitnangg Silangan, ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Bello na ibinaba na sa level 2 ang alert level sa Lebananon, habang tuluyan namang inalis na ang sa Iran.

“Initially, the level of alert for Iran, Iraq, and Lebanon are the same—[Alert Level] 4. Although it was unofficial, I was informed yesterday that the alert level in Lebanon was put down to level 2 and I understand that there’s no more alert level in Iran,” ani Bello.

Subalit inabisuhan aniya nito ang Philippine Overseas Employment Administration na pansamantalang ihinto muna ang pagproseso sa deployment application para sa dalawang bansa.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ng kalihim na tuloy pa rin ang mandatory evacuation para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Iraq, gayundin ang deployment ban sa naturang bansa.

Kahapon, itinaas ang Alert Level 4 sa Iraq kasunod nang pagkakapaslang sa top Iranian military general na si Qassem Soleimani sa airstrike na isinagawa ng Estados Unidos.