-- Advertisements --

Tinanggal na ng North Korea ang mandato nito na pagsusuot ng face mask at pinaluwag ang iba pang mga paghihigpit kontra sa Covid-10.

Magugunitang idineklara na ng lider na si Kim Jong Un sa kanilang bansa ang “tagumpay” laban sa COVID-19.

Ang mga paghihigpit laban sa virus ay pinaluwag na dahil “ang krisis sa kalusugan ng publiko na nilikha sa bansa ay ganap na natanggal at ang buong teritoryo nito ay naging free mula sa malignant na virus sa pinakamaikling panahon.

Ang hakbang para sa obligadong pagsusuot ng facemask ay inalis sa lahat ng lugar maliban sa mga frontline area at borderline na mga lungsod at county, dahil ang buong bansa ay ginawang isang epidemic-free zone.

Idineklara ng North Korea ang isang “shining victory” laban sa COVID noong unang bahagi ng linggong ito ilang buwan lamang matapos ipahayag ang mga unang kaso nito noong Mayo.

Inalis din ang social distancing at iba pang mga hakbang laban sa virus maliban sa mga border regions.

Ngunit ang mga taong may mga sintomas ng respiratory disease ay inirerekomenda na magsuot ng mga facemask at ang mga North Korean ay hinimok na “manatiling mapagbantay” laban sa “abnormal na mga bagay” – tila tumutukoy sa mga propaganda leaflets sa South Korea.