-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng supplemental guidelines para sa mandatory certification ng vape products sa susunod na buwan.

Sinabi Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, na kanilang iipunin ang mga komento ukol sa nasabing usapin sa ginawang public consultation sa mandatory certification of vape products.

Dagdag pa nito na naglabas na sil ang memorandum circular sa supplemental guidelines sa mandatroy registration at certification of vape products sa ilalim ng Vape Law na maaring maging epektibo sa Hunyo.

Nangangahulugan nito na ang mga imported vape products ay kailangan ng Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) stickeer pagdating ng Hunyo ngayong taon.