Naniniwala si House Deputy Speaker Neptali Gonzales Jr. na lalo pang lalakas ang emergency response ng Mnadaluyong City sa harap ng COVID-19 pandemic at sa iba pang emergencies tulad ng sunog.
Ito ay matapos na pangunahan ni Gonzales kahapon ang turnover sa dalawang firetrucks at limang ambulansya sa Bureau of Fire Protection at ilang mga barangay sa lungsod ng Mandaluyong.
Ang dalawang units ng firetruck ay mayroong kasamang 54-meter aerial ladder na may kakayahang makaabot sa 15-storey building elevation.
Samantala, ang limang ambulansya naman na nagkakahalaga ng P2.4 million mula sa Department of Health ay ibinigay nina Gonzales, kanyang asawa na si Queenie at iba pang opisyal ng lungsod sa Barangay Addition Hills, Barangay Hulo, barangay Vergara, Command and COntrol Center, at sa National Center for Mental Health.
Nangako naman si Gonzales na hindi dito magtatapos ang pagsusumikap nilang mga opisyal ng lungsod upang sa gayon ay mas mapagserbisyuhan pa ng mas maayos ang kanilang mga constitutents.