Suportado AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Florence Reyes ang panawagan ng World Health Organization na bawasan ang paggamit ng asin at hindi dapat umabot sa 2,000 milligrams ng sodium kada araw ang nakokonsumo ng bawat indibidwal.
Ayon, sa mambabatas nakasasama sa kalusugan ng mga Pinoy ang naitalang sobrang pagkonsumo ng mga ito ng asin.
Batay sa datos umano noong Oktubre 2022, tinatayang nasa 4,113 milligrams dietary sodium ang nakokonsumo ng mga tao sa Pilipinas kada araw.
Dahil dito, hinikayat ni Reyes ang mga Pinoy na bawasan ang pagkonsumo ng asin upang mabawasan umano ang panganib sa mga sakit tulad ng high blood pressure, heart disease, stroke at iba pa.
Siniguro naman ni Cong. Reyes na aktibo ang AnaKalusugan sa pagsusulong ng mga batas na layong magtaguyod sa kalusugan ng mga Pilipino.