-- Advertisements --

Tiniyak sa publiko ni DIWA partylist Rep. Michael Edgar Aglipay na magiging transparent ang House of Representatives sa gagawing deliberasyon ng Charter change na inaasahang sisimulan sa ssunod na linggo.

Sinabi ni Aglipay na tanging ang mga proposed amendments lamang sa “restrictive” economic provisions ng 1987 Constitution ang kanilang tatalakayin alinsunod na rin sa kautusan ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Kasabay nito ay maaari ring mapanood ng publiko ang gagawin nilang deliberasyon sa pamamagitan ng livestream.

Isa is Aglipay sa mga mambabatas na dumalo sa ipinatawag na pagpupulong ni Velasco noong Miyerkules upang talakayin kung ano-ano ang mga proposed amendments sa Saligang Batas.

Ayon naman kay House Committee on Constitutional Amendments chairperson Alfredo Garbin Jr. na mismong si Velasco ang nag-utos na silipin ang mga proposal para amyendahan ang economic provisions.

Ang mga naturang proposals aniya ay kasama sa resolusyon na inihain ni Velasco noong Hulyo 2019 bago pa ito maupo sa kaniyang kasalukuyang pwesto.

Sa ngayon aniya ay layunin ng Kamara na tapusin ang deliberasyon ng proposed constitutional amendments bago sumapit ang Pebrero 2022 upang nang sa gayon ay maratipikan ang mga amyenda kasabay ng May 2022 election.