-- Advertisements --

Ibinunyag ng mambabatas sa Hong Kong na ito ay nagpositibo matapos ang pagsama nito sa nakipagkuha ng larawan kay Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Steven Ho, miyembor ng pro-Beijing party, na isa siya sa 100 opisyal na pinayagang makasali sa pagpapakuha ng larawan kay Xi nitong Hunyo 30.

Dagdag pa ng 42-anyos na mambabatas na nagnegatibo naman ito sa unang araw ng pagbisita ni Xi noong Huwebes subalit noong Biyernes ay nakaranas na ito ng mga sintomas.

Dahil dito ay hindi na ito dumalo sa mga kaganapan doon.

Magugunitang bumisita si Xi sa 25 anibersaryo ng pagkalaya ng Hong Kong sa kamay ng Britanya.

Magugunitang isa ang China na nagpatupad ng zero-COVID policy kung saan mahigit 900 araw na hindi lumabas sa kaniyang bansa si Xi.