Umapela ngayon si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na atasan nito ang PhilHealth na pansamantala mulang huwag magpatupad ng contribution hike sa kanilang mga miyembro ngayong taon.
Kung maaalala, naglabas ng abiso ang PhilHealth hinggil sa plano nitong pagtataas ng contribution rate mula sa kasalukuyang 4% patungo sa 5% na salig umano ng Universal Healthcare Law.
Ayon sa mambabatas, hindi praktikal ang ganitong plano dahil na rin sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Giit pa nito na malaking kabawasan sa kita at sweldo ng mga simpleng manggagawang Pilipino ang naturang contribution hike.
Kailangan muna aniyang pagtuunan ng pansin ang pagpapanagot sa sangkot sa nabunyag na korapsyon sa ahensya na may kaugnayan sa P15 billion na halaga ng Interim Reimbursement Mechanism.
Nanawagan naman si Brosas sa kanyang mga kapwa mambabatas na ipasa ang House Bill 408.
Layon ng panukalang ito na alisin ang probisyon sa UHC law para sa automatic increase ng premium contribution.
Kasabay nito, muling nanawagan ang kinatawan na mapagtibay ang House Bill 408, na layong alisin ang probisyon sa UHC law para sa automatic increase ng premium contribution.