Ipinaliwanag ngayon ng isang mambabatas ang kanyang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng year-end bonus ang lahat ng mga senior citizen sa bansa.
Sinabi ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas na marami na raw ambag ang mga senior citizens sa bansa at karamihan sa kanila ay sumusuporta pa rin sa kanilang mga pamilya at apo.
Kaya naman, ngayong holiday season daw ay pagbigyan naman ng pamahalaan ang kahiligan ng mga lolo at lola na bigyan pa ng benepisyo sa pamamagitan ng year-end o Christmas bonus.
Una rito, inihain ni Vargas ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng karagdagang year-end bonus ang mga indigent senior citizens.
Ito ay ang House Bill 6693, o ang “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola Bill.”
Ang lahat daw ng mga senior citizen na mabibigyan ng naturang benepisyo ay ang mga kuwalipikado sa Expanded Senior Citizens Act at bagong batas na Republic Act No. 11916 o ang Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, ang mga elderly pensioners ay dapat makatanggap ng karagdagang P1,000 maliban pa sa kanilang buwanang P1,000 allowance sa ilalim ng Social Pension for Indigent Seniors program.
Kailangan naman itong maibigay bago mag-Disyembre 25.
Sa pamamagitan daw ng House Bill 6693, sinabi ni Vargas na ipagpapatuloy nito ang legacy at advocacy ng kanyang kapatid at predecessor na si incumbent Quezon City Councilor Alfred Vargas.
Ang kanyang kapatid ay ang principal authors ng Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.
Sa pamamagitan daw ng pag-institutionalize sa year-end bonuses para sa mga indigent Filipino elderly ay isang daan para makapagbigay ng mas magandang social safety nets antd protection sa mga senior citizens at kanilang mga pamilya.
Sa diwa naman daw ng pagbibigayan, kailangan ay palawigin pa ang tulong para sa mga lolo at lola na nangangailangan nito ngayong panahon