-- Advertisements --

Hinamon ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan si Senator Imee Marcos na suporthan ng dokumento ang kaniyang mga isyu kaugnay sa P5.768-trillion 2024 national budget.

Tinukoy ng mambabatas ang bicameral conference committee  kung saan bahagi ang senadora at lumagda sa final budget report.

Ayon kay Lanao del Norte Representative Mohammad Khalid Dimaporo, kung nais ang sagot, tingnan ang minutes ng bicam dahil makikita ito.

Umapela naman si Dimaporo sa dalawang kapulungan na panatuilihin ang pagiging propesyunal dahil hindi ito deserve ng mga Pilipino.

Pinuna naman ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. ang mga hindi kanais-nais na mga pahayag at video recordings sa social media na aniya’y “very unprofessional.”

Ayon pa sa kongresista, nararapat lamang na bilang mga mambabatas ay magpakita ng respeto sa bawat isa.

Binigyan diin naman ni La Union Rep. Paolo Ortega na ang mga kwestyon sa 2024 budget ay dapat na inilabas at napag-usapan upang maresolba habang ang panukala ay nakabinbin pa sa kongreso at hindi matapos na maisabatas.

Dagdag pa ni Ortega na nakakalungkot na ngayon lamang lumalabas ang mga ganitong isyu sa kabila ng mahigpit na pagtalakay sa pambansang pondo.