-- Advertisements --

Matapos ang tumamang deadliest earthquake sa Afghanistan, humaharap ngayon ang mga mamamayan sa Paktika province ng kakapusan sa pagkain, shelter at banta ng posibleng cholera outbreak.

Sa isang village sa Barmal district ng naturang probinsiya na pinakamatinding tinamaan ng malakas na lindol, umaabot sa 1000 katao na ang napaulat na namatay dahil sa malakas na lindol at mahigit 3,000 katao naman ang naitalang sugatan.

Halos lahat ng mga kabahayan sa naturang village ay lubhang napinsala kung kayat ang higit na kinakailangan ngayon ay matutuluyan ng daan-daang mga pamilya na nawalan ng mga bahay.

Itinigil na rin ng Taliban officials ang rescue operation at sinimulan ang paghahatid ng mga supplies sa mga biktima.

Tumutulong na rin ang Afghan at international aid agencies para sa pag-assess ng pinsala at paghahatid ng mga suplay na isa sa mga major at developing crisis na kinakaharap ngayon ng bansa maliban pa sa humanitarian situation doon.

-- Advertisement --

Naghahatid na rin ng tulong ang United Nations sa mga biktima at nagbabala sa bata ng posibleng cholera outbreak.