CENTRAL MINDANAO- Nakapagpiyansa sa korte kanyang pansamatalang kalayaan si Sotero Jacolbe Jr na isinangkot sa pagpaslang sa mamamahayag na si Eduardo “Ed”Dizon ng Brigada News Fm Kidapawan City.

Nakapaglagak ng piyansa na P500,000 ang pamilya ni Jocolbe.

Ang release order ni Jacolbe ay inisyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot ng RTC-12 branch 17 sa Kidapawan City.

Dahil dito, ipinag-utos ni Judge Balagot sa warden ng Kidapawan City Jail na palayain pansamantala si Jacolbe.

Si Jacolbe ay isa ring mamamahayag na isinama sa charge sheet sa Dizon’s murder sa ilalim ng Criminal Case Number 5281-2019.

Ang kaso ay isinampa ni Madonna Dizon,dating station manager ng Brigada FM Kidapawan City at maybahay nang napaslang na Mamamahayag.

Isinangkot din sa pagpatay kay Dizon sina Dante Tabores alyas Bong Encarnacion at Junnel Jane Andagkit Poten.

Si Encarnacion ay umapela sa Department of Justice (DoJ) para rebyuhin ang kasong pagpatay na isinampa sa kanya.

Ang ibang suspek ay umupong testigo habang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Poten.