Reading Time: 1 minute

SAN DIEGO, California – Ire-refund na lang ng online seller na Amazon ang aksidenteng pagkakabili ng mamahaling sofa noong nakaraang buwan.

Ito’y makaraang marinig ang kwento ni Isabella McNeil, ang ina ng dalawang taong gulang na batang nakapagpindot ng “1-click” ordering.

Umaabot sa $400 ang halaga ng furniture, kaya gulat at hindi malaman ni McNeil kung anong gagawin pagkatapos mai-deliver ang unit.

Tinanggap na lamang niya iyon, ngunit nagpasyang ibibenta sa sinumang interesado para lamang makabawi sa nagastos na ipon.

Pero nang mabalitaan ng Amazon ang pangyayari, sinabi ng kanilang tagapagsalita na isasauli na lamang ang pera ng ginang, kasabay ng pasabing hindi na rin sisingilin ng iba pang charges si Isabella. (CBS)