-- Advertisements --

Target ng Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang mall voting sa buong Pilipinas sa taong 2025.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, gaganapin ang mall voting sa 10 sites sa Barangay at Sangguniang kabataan elections ngayong Oktubre.
Kabilang dito ang 8 malls sa Metro Manila at tig-isa sa Cebu at Legazpi city.
Kung sakaling matuloy ito, ayon sa Comelec chairman ay posibleng hindi na gagamitin pa ang mga eskwelahan bilang polling center.
Bukod dito, libre din aniyang ipigagamit ng mga mall owners p operators ang partikular na site sa mall.
Nitong nakalipas na araw ng Sabado sinimulan na ng Comelec ang simulation ng mall voting sa apat na lugar sa bansa.