-- Advertisements --
Sinampahan na ng kaso ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang security guard na nanghagis ng tuta sa isang footbridge sa Quezon City.
Sinabi ni PAWS executive director Anna Cabrera na kasama niya ang isang witness at naghain ng reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o the Animal Welfare Act sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa guardiya.
Sakaling mapatunayan ang pagkakasala ng guwardiya ay mahahatulan ito ng pagkakukong ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon.
Magugunitang sinita ng guwardiya ang dalawang bata na may-ari ng tuta na kumakain sa footbridge kung saan agad nitong kinuha at itinapon sa footbridge sa sanhi ng agarang kamatayan ng nasabing aso.